Pagreregalo kay Liza ng Darna komiks ng Ravelo family inireklamo

By Alex Brosas July 04,2017
share this

Pagreregalo kay Liza ng Darna komiks ng Ravelo family inireklamo

By Alex Brosas July 04,2017
share this

THE family of Mars Ravelo gave Liza Soberano four original Darna Comics as a token of appreciation.

Many were happy for Liza as collector’s item and heirloom ang ibinigay sa kanya ng mga Ravelo. But there is one who felt hindi deserve ng dalaga ang token.

“Hindi pa nga napapatunayan yung sarili binigyan na agad ng family heirloom. Si Vilma Santos pa siguro mas deserving ng mga ganyan na one of a kind memorabilia dahil sa labis na ang napatunayan niya sa pagganap bilang Darna.

“Too much too soon, at parang overrated naman para sa medyo baguhan na aktres na hindi pa nga gumaganap e nirewardan na agad agad. Ang OA lang po,” wailed one basher.

Hindi ito pinalagpas ng fans ng dalaga.

“Ikaw ang OA 1:24! Eh si Liza ang gusto nilang bigyan, pakialam mo?! Sinabi ba na dapat sa pinaka-may napatunayan ibibigay ang heirloom?! Such pathetic soul! Si Liza ang pinakabago so marapat lang na sya ang pagbigyan, see the relevance? Kung kay Vilma Santos o kay Angel Locsin ibinigay, makakatulong ba sa promo ng Darna?

“Shunga lang! Magvitamins din kasi minsan para gumana ang mga neurons, di lang lagi pambabash ang ginagawa, nasobrahan ka na sa pait!” said one Liza fan.

“Hahaha, anong pinaghihimutok sa pagbigay ng mga Ravelos ng gift. Kusang loob nila iyan, hindi hiningi ni Liza. Sila mismo pati ang pumili kay Liza na maging Darna,” one fan chimed in.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending