Kahit magkalaban ang tv show…Anne bumati sa 38th Anniversary ng ‘Bulaga’

NAGBIGAY-PUGAY si Anne Curtis sa 38 years ng Eat Bulaga kahit na nga kalaban ng programa nila sa kabilang network ang longest noontime show.

Sa Instagram post kasi ni Paolo Ballesteros, inilabas niya ang bagong gawang logo kaugnay ng 38 years ng EB sa telebisyon.

Nagkomento si Anne sa post na ‘yon ni Paolo, “Wow!!! Congrats!!! Happy 38th anniversary, Eat Bulaga!”

Naging close sina Anne at Paolo nang gawin nila ang pelikulang “Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend?” kung saan nakasama rin nila si Dennis Trillo.

Sa totoo lang, nagkaroon na rin ng make up transformation si Pochoy (Paolo) bilang Anne na pinag-usapan din noon sa social media. Ang ginawang pagbati ni Anne sa kalaban nilang noontime show ay isang patunay na sports lang ang aktres.

Read more...