Pacman dinaya na naman; Horn tinawag na boy siko, boy yakap, at boy headbutt

NASABI na pati ng mga banyagang mahilig sa boksing ang kanilang opinyon tungkol sa katatapos na sagupaan sa ring nina Pacman at Jeff Horn.

Narinig na rin natin ang emosyon ng mga kababayan natin tungkol sa lantarang kagulangan ng kalaban ng ating Pambansang Kamao.

Natalo man sa pananaw ng mga hurado ay si Senator Manny Pacquiao pa rin ang nagtagumpay sa banggaan nila ni Horn. Maging sa iba-ibang bansa ay si Pacman ang isinisigaw na panalo ng mga dating nakalaban niya.

Kung si Floyd Mayweather nu’n ay tinawag na Boy Takbo ng mga nanood sa kanilang salpukan, kay Jeff Horn ngayon ay mas matindi, dahil ang tawag sa Australyano ng mga miron ay Boy Yakap, Boy Siko, Boy Headbutt at Boy Headlock.

Hindi dahil sa mga Pilipino tayong kumakampi sa ating kababayan, pero sa kahit anong sukatan ay kitang-kita naman na dalawa ang kalaban ni Senador Pacquiao sa ring, si Horn at ang referee.

Sabi nga ng mga kababayan natin, ang mas masarap upakan ay ang referee na ni hindi man lang nagwa-warning kapag napakarumi na ng laro ni Horn, lutung-luto ang laban.

Sigaw ng buong bayan, “Si Pacman pa rin!” Maging ang mga Pinoy sa Australia ay galit na galit, nag-ipon pa raw naman sila ng pampanood nang live sa match nina Pacman at Horn, pero dadayain lang naman pala ang ating kampeon.

Read more...