Elmo umamin na: Yes, kami na po ni Janella…!

JANELLA SALVADOR AT ELMO MAGALONA

NAKAKAALIW kausap ang makukulit na mga bida sa pelikulang “Bloody Crayons.”

Sa aming DZMM “Chismax” program last Sunday, nakausap namin (phone patch) sina Elmo Magalona, Janella Salvador, Diego Loyzaga, Sofia Andres, Yves Flores at Ronnie Alonte.

Katatapos lang ng kanilang mall show at high na high pa ang kanilang energy sa pakikipag-usap sa amin.

In jest, sinagot ni Elmo na sila na ni Janella, bago ito nag-dialogue ng, “Kami na…sa movie. Kaya’t dapat kayong manood.”

“Nagkakasawaan na nga kami, pero masarap na sawaan at gusto namin,” sagot naman ni Diego nang ang estado naman nila ni Sofia ang kinumusta namin.

Umamin naman ang co-stars nilang sina Empoy Marquez Ronnie at Yves na “piping saksi” sila sa kaswitan ng ElNella at SofiEgo.

Read more...