Pangako ni Pacman kay Mommy Dionesia napako kaya nakarma

SORRY sa mga kapwa nating Pinoy, ha! Pero sadyang ayaw ko nang paapekto sa isyu ng pagkatalo ni Manny Pacquiao kaya dededmahin na lang namin ang sangrekwang reklamo at komento na nadaya na naman ito sa laban nila ni Jeff Horn last Sunday.

I personally stopped patronizing and believing the so-called Pambansang Kamao dahil sa mga palpak at mayabang na komento niya tungkol sa ilang isyu sa bansa, tulad ng “pambubugbog” niya sa LGBT community, sa death penalty pati na sa extra judicial killings, among others.

At talagang tinandaan ko ‘yung binitawan niyang pangako sa kanyang inang si Mommy Dionisia habang nangangampanya noon sa pagka-Senador. Na kanya nang iiwan ang pagboboksing kapag naging senador na siya at magpo-focus na lang sa pagtulong sa mga tao at sa kanyang pamilya at mga negosyo.

Pero hindi nga niya tinupad ang pangako niyang ito sa kanyang ina at sa sambayanang Pilipino kaya hindi mo rin masisisi kung may mga kababayan din tayong nagbunyi sa kanyang pagkatalo. At ngayon nga’y pinag-iisipan na raw ng kampi ni Pacman kung magkakaroon pa ng rematch (lalo na yung mga nangungumisyon sa kanya) para mabawi ang kanyang world boxing title belt? Helloooo!?

Matatawag pa bang maka-Kristyano ang istilong ito ni Pacquiao? O, sadyang pagpapaalipin na sa sobrang pride at pagkagahaman sa yaman?

Puwede ba, Jinkee, Manny at sa iba pang patuloy na naniniwalang “indestructible” ang Pambansang Kamao n’yo, kung ang mga superhero nga ay natatalo rin sa laban, ang manok n’yo pa ba ang hindi? Feeling “immortal” lang ang peg?

Sayang ang legacy, sayang ang magandang contribution sa history and most of all, sayang ang masaya at dapat na kuntentong buhay lang!

Read more...