NAGBAGO ba ang buhay ng Pinoy matapos ang 365 days ni Pa-ngulong Duterte?
Nagbago ba ang crime situation sa kalye? Pati pulis target din, tulad ng 403 pulis na kasama sa narcolist ni Duterte nitong Hunyo. Labing-apat dito ang napatay, 29 ang tinanggal sa serbisyo, 37 ang nagretiro samantalang 44 ang AWOL.
May natitira pang 222 na nasa aktibong serbisyo pero may mga kaso o ipinatapon sa Mindanao. Ibig sabihin nito, pati mga corrupt na pulis ay target na rin.
Kapansin-pansin na bumaba ang nakawan sa isang taon (kung ikukumpara ang July 2015 to May 2016 sa May 2016 to May 2017). Robberies bumagsak ng -34.65% , theft -38.62%. Kumonti ang nakawan, cellphone snatching, holdap, akyat-bahay at iba pa. Carnapping bumagsak ng -46.54% at ang nakawan ng motorsiklo , bumagsak din ng -39.93%.
Kahit “physical injuries” nabawasan ng -18.13% at kaso ng “rape” ay -6.08%.
Siyempre tumaas ang kasong murder ng +31.27 dahil mahigit 5,000 hanggang 7,000 ang bumulagta sa mga lansangan. Pero ang pinakamabigat dito ay ang pagsuko ng 1,288,140 sa Tokhang at umaming sila’y drug pusher, user o addict.
Gaano karaming krimen ang posibleng ginawa nila kung hindi sila sumuko? Ngayon, pwede na silang ireporma o magbago.
Sa 2017 stats ng PDEA, merong 4.7 milyong drug users at 20,126 baranggays sa buong bansa ang may problema sa ilegal na droga sa kabuuang 42,036. At ang nalilinis lamang ay 3,677 baranggays. Iba naman ang sinasabi ng Dangerous drugs Board (DDB) na 1.8 milyon drug users lang daw ang meron noong 2015 survey.
Pero, ang pinakamalaking tanong, bakit maraming mahihirap na pusher at mga adik ang napapatay pero, popular pa rin si Duterte at ang kanyang “war on drugs” sa mga mahihirap? Dalawa ang sagot diyan. Isa mula sa nakararaming mahihirap sa mga squatter areas, o “depressed areas” ng mga lungsod at bayan na talamak ang “shabu” o poor man’s cocaine na “sachet” o sekator o “katorse pesos”.
At iba naman sa mga nakaririwasang pamilya sa mga “gated communities”, condominiums atbp kung saan ang drug problem ay hindi shabu kundi mamahaling cocaine, heroin, ecstacy at iba pa.
Karamihan ay hindi alam ang epekto ng murang –mura pero che-mical based na shabu. “Que horror” sabi ng mga mayayaman sa 5,217 na napatay sa drug–related incidents.
“Human rights violation iyan na puro mahihirap lang ang napa-patay. Bakit hindi pinapatay ang mga big time shabu dealers? Tao rin ang mga shabu addicts na pwede pang i-reporma?
Sabi naman ng mga mahihihirap, “Buti nga, sa wakas nakahanap sila ng katapat”.
Sa mga kalye, nawalang bigla ang mga kriminal kasama na ang mga siga, mga adik sa bawat baranggay. Pati mismong kamag-anak ng adik nagsusuplong na rin.
“Kill pa more” sabi nila sa SWS survey. Sampol dito ang Bulacan massacre kung saan pinatay, ginahasa ang lola at nanay, pati tatlong bata kasama ang isang taong gulang pa lamang, ng mga adik sa shabu.
Hindi nangyayari ang mga ganito sa mga “gated communities” dahil “cheap” sa mga rich addicts ang shabu.
Pero sa mga “depressed areas”, talamak ito lalo pa’t “mura” at “affordable” na shabu. Kapag kargado na, krimen pa more.
Isang taon na ang war on drugs. Mara-ming bumulagta pero maraming naisalbang mga tao sa mga holdapan, nakawan at iba pa. Tuloy dapat ang kampanya, unang- una laban sa mga corrupt na pulis o ninja cops at mga kriminal sa buong bansa.
War on drugs ituloy lang
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...