Erwin Tulfo lumayas na sa TV5, lumipat sa ‘sikat’ na network

 


NAG-RESIGN na ang TV host-newscaster at radio commentator na si Erwin Tulfo sa TV5 matapos ang halos pitong taong pagli-lingkod sa Kapatid network.

Sa kanyang Facebook account, nag-post ng mahabang mensahe si Erwin para ipaalam sa publiko na hindi na siya mapapanood at mapapa-kinggan sa programang Punto Asintado sa Radyo Singko.

Narito ang ilang bahagi ng mensahe ni Erwin, “Good morning mga Tol at mga Bes. Para po sa kabatiran ng lahat, AKO PO AY NAGPAALAM NA SA TV5 , ANG AKING NA-GING TAHANAN FOR 7 YEARS, SIMULA PA PO NOONG BIYERNES, A-30 NG HUNYO.

“Personal at propesyunal na kadahilanan ang a-king paglisan sa Kapatid network. Wala po akong sama ng loob sa management ng kumpanya lalo na sa may-ari nito na si Manny V. Pangilinan.

“Pero tulad sa isang pamilya, may mga bagay o pagkakataon na hindi pagkakaunawaan o pagkakaintindihan ng anak at ng mga magulang.

“At kung ikaw ay mabuting anak, sa halip na makipagtalo o makipagaway sa i-yong magulang…mas mabuti pang magpaalam ka na lang sa kanila at tahimik mo na lang lisanin ang inyong tahanan kaysa maging pabigat ka pa sa pamilya.”

Magpapahinga lang daw ng isang buwan ang broadcast journalist at muling babalik sa ere, “MAY BAGO NA PO AKONG TAHANAN… isang sikat na nationwide AM radio at isang kilalang TV network. Public service host po tayo sa radyo at newscaster naman sa television.”

Nauna rito, nag-issue rin ng official statement ang TV5 tungkol sa ba-ngayang namagitan kina Erwin at isa pang newscas-ter at TV host ng Kapatid station na si Ed Lingao. Bibigyan daw ng disciplinary action ang dalawa, pati na ang kapatid ni Erwin na si Ben Tulfo matapos ipagtanggol ang kanyang utol.

 

Read more...