Aljur nag-audition sa bagong show ng ABS-CBN at Star Cinema

NAGULAT ang ilang empleyado ng Star Cinema nang makita nila si Aljur Abrenica sa kanilang opisina nitong Biyernes ng gabi.

Bandang alas otso y media ng gabi nu’ng lumabas ng kuwarto si Aljur at tinanong kung anong sadya niya roon at sinabing naggo-see siya para sa isang show na hindi naman binanggit.

Hanggang sa tinawag ang dating Kapuso actor para magpa-picture at kaagad naman daw pumayag.

Kuwento pa sa amin, “Ang bait ni Aljur, maraming nagpapa-picture sa kanya at pinagbibigyan niya lahat. Nakangiti siya parati.”

Mabait naman talaga si Aljur, ‘yun lang ang masasabi namin. Ay teka, pumasa kaya siya sa audition?

 

Read more...