Pia tinakam-takam na naman ang mga boys

Larawan mula sa Instagram account ni Pia Wurtzbach

TINAKAM-TAKAM na naman ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang mga boys nang muli siyang mag-post ng kanyang sexy body sa Instagram.

Seksing-seksi pa rin ang beauty queen na walang takot na nagpa-pictorial sa tabi ng isang puno suot ang kanyang strppy revealing black swimsuit. Nilagyan niya ito ng caption na: “Manila Girl.”

Mabilis itong nakakuha ng mahigit 200,000 na likes at daan-daang komento mula sa kanyang mga IG followers.

May isa pang nagsabi na mukhang mas pumayat pa ngayon si Pia kung ikukumpara sa mga past pictures niya sa IG na naka-two piece bikini.

Pero ang common question ng kanyang fans, ano na raw ang nangyari sa relasyon nila ni Marlon Stockinger?

Bakit daw parang hindi na siya nagpo-post ng mga pictures sa IG na kasama ang car racer?

Read more...