SA pamamagitan ng blind item namin idadaan ang kuwentong ito, but no sweat, the characters are easily identifiable.
Mula ito sa isang text message na natanggap ni Tita Cristy Fermin sa programang “CFM” nitong Lunes quoting this popular actor (PA) to have confirmed na ang nobyo ng kanyang kalabtim is a less popular actor (LPA) from the same TV station.
Sans the names of the persons involved ay sunud-sunod ang mga hula ng mga CFM listeners/viewers, all of them hitting the nail in the head.
Our take on this: Kung nagkataong isa kaming malaking tagahanga ng loveteam na ‘yon ay malulungkot kami dahil asang-asa pa naman kaming mauuwi sa seryosohan ang nakakakilig na tambalan ni PA at ng kanyang partner.
Mapapalis ang lungkot, pero mahahalinhan ‘yon ng galit. Pakiramdam kasi nami’y we were taken for a ride. Betrayed. Deceived.
But if we rationalize rather than sentimentalize or romanticize the whole situation, iisipin naming pare-pareho lang namang may karapatan ang tatlong sangkot sa kuwento. The right to love and to be loved.
For all we know, liberating ang feeling na nararamdaman ng babae sa nangyari. Enough of putting up a facade for the sake of pleasing their fans habang nagdurugo naman ang kanyang puso. Ano, palagi na ba siyang nakangiwi?
The feeling is just as—even more liberating—sa parte ni PA. Ngayon lang niya marahil nalaman ang tunay na kahulugan ng kalayaan, breaking free from the shackles of a fake romance like a bitter pill too hard to swallow.
Enough of management orders being rammed down their throats. Sa bandang huli naman kasi’y mananaig pa rin ang idinidikta ng kanilang puso, and not what other people want them to feel.
But has the girl found Mr. Right if the PA is definitely not? Too hard as it is too early to tell. Malay naman natin, the LPA may have mended his ways.
So, who’s the one designed for the PA? Si Aida, si Lorna o si Fe?
NOTA. And we mean, none of the above.