Sanya virgin na virgin, never pa raw nagkadyowa: siguro takot lang ako!

ROCCO NACINO AT SANYA LOPEZ

“NBSB” pala ang Kapamilya actress na si Sanya Lopez! Yes, as in “no boyfriend since birth” ang dalaga kaya hindi nakapagtataka na maging mapili siya sa magiging unang dyowa niya.

Sa nakaraang presscon ng bagong afternoon series ng GMA 7, ang Haplos na pagbibidahan nila ni Rocco Nacino, sinabi ni Sanya na wala pa talaga sa priority niya ang pagbo-boyfriend. Ibig sabihin nito certified virgin nga itong si Sanya.

“NBSB ako, hindi pa talaga ako napu-fall. Mas priority ko siguro talaga ngayon kung anong meron ako, siyempre yung work ko.

“Siguro takot lang ako mahati yung focus at attention ko,” anang dalaga na unang nakilala sa fantaseryeng Encantadia.

Natanong si Sanya kung natatakot din ba siyang maging boyfriend si Rocco? “Sa ngayon, parang ang hirap pong ipasok po talaga yung relasyon kapag meron kang ganito. Siguro darating din tayo sa point na magkakaroon.”

Hirit pa ng dalaga kay Rocco, “Kung ikaw man yun, please be careful with my heart.”

Inamin din ng aktres na maalaga talaga si Rocco sa kanya pero ayaw daw niyang lagyan ito malisya,

“Hindi ko pa nararamdaman yun (nanliligaw). Siguro nangyayari lang na sweet siya sa akin, at hindi lang naman siya sa akin ganu’n.

“Ganoon din siya sa ibang cast sa Encantadia. Sa ibang girls na nakasama ko du’n, ganu’n din yung gestures niya,” sey pa ng aktres.

Ang hinahanap daw niya sa isang lalaki ay, “Siguro kapag magkaroon na ako ng boyfriend, gusto ko yung mapagmahal, gentleman, nire-respect ako. Siguro yung marunong maghintay, tsaka mahaba rin yung pasensiya.

“Kasi sometimes, pag nawawala yung pasensiya mo sa isang tao, naghahanap ka na ng iba. At yung masaya siya para sa akin,” pahayag pa ng Kapuso actress.

Dagdag pa ni Sanya sa relasyon nila ngayon ni Rocco, “Nandu’n kami sa level na sobrang close, to the point na nagkukuwentuhan kami about sa mga secrets namin. Nagtutulungan kapag may problema, ganu’n pa lang naman.”

Samantala, mas magiging palaban at mapangahas ngayon ang maka-loveteam sa bago nilang serye na Haplos kung saan gagampanan niya ang karakter ni Angela.

“May gift siya, nakakapagpagaling siya ng may sakit, at yung gift na ‘yun, du’n iikot ang story, kung paano niya gagamitin sa mga taong nakaka-encounter niya,” kuwento ni Sanya.

Si Thea Tolentino ang magiging kontrabida sa Haplos bilang si Lucille, siya ang magpapahirap sa buhay ng kanyang half-sister na si Angela na gagawin ang lahat para mawasak ang kapatid. Lalabanan ng black magic (kulam) ni Thea ang kapangyarihang puti ni Sanya.

In fairness, isa si Thea sa mga hinahangaan naming kontrabida sa GMA. Napatunayan na niya ‘yan sa Half Sisters at sa Destined To Be Yours. Kaya siguradong kasusuklaman na naman siya ng manonood dito sa Haplos.

Makakasama rin sa Haplos sina Pancho Magno, Diva Montelaba, Francine Prieto, Emilio Garcia at Celia Rodriguez, sa direksyon ni Gil Tejada, Jr.. Magsisimula na ito sa July 10 sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Impostora.

Read more...