LAGLAG si Star For All Seasons Vilma Santos sa mga nominado para sa pagka-Best Actress ng 40th Gawad Urian na gaganapin sa July 20 sa ABS-CBN Studio 10 at ipalalabas live sa Cinema One.
Ang mga pumasok sa listahan ng mga nominado para sa taunang Gawad Urian ay sina Irma Adlawan, (Oro), Nora Aunor (Hinulid), Angeli Bayani (Ned’s Project), Ai Ai delas Alas (Area), Jaclyn Jose, (Ma’ Rosa), Hasmine Kilip (Pamilya Ordinaryo), Elizabeth Oropesa, (Mrs.), Cherry Pie Picache (Pauwi Na), Charo Santos (Ang Babaeng Humayo) at Laila Ulao (Women of the Weeping River).
Maraming nagtatanong kung bakit hindi nakapasa sa panlasa ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ang akting ni Ate Vi sa pelikulang “Everything About Her” kung saan nakasama ng aktres si Angel Locsin.
Feeling namin, hindi na isinama ang actress-politician sa list of nominees dahil siya nga ang recipent ng Natatanging Gawad Urian ngayong taon dahil sa walong best actress trophy na nakuha niya mula Urian.
Nanguna naman sa dami ng nominasyon (12) ang pelikulang “Women of the Weeping River” (mula sa Southern Lantern Studios, Laut Lesmains at TBA), kasama na ang Pinakamahusay na Pelikula at Pinakamahusay sa Direksyon para kay Sheron Dayoc.
Sumunod ang “Paglipay” (produced by Milagros Ong How) na may 11 nominasyon, ang “Ma’ Rosa” (Centerstage Productions at Solar Pictures), “Pamilya Ordinaryo” (Found Films, Quantum Films at Cinemalaya Foundation), at “Ang Babaeng Humayo” (Cinema One Originals at Sine Olivia Pilipinas) na may 9 na nominasyon.
Bukod sa “Women of the Weeping River,” kasama sa nominado sa Pinakamahusay na Pelikula ang “Ang Babaeng Humayo,” “Paglipay,” “Ma’ Rosa,” “Pamilya Ordinaryo,” at “Baboy Halas” (Origane Films, Timewrap, Oya Film Productions, Alchemy of Vision, Lights Productions at Three Six-Zero Industries).
Nominado naman para sa Pinakamahusay na Pagganap ang mga aktor na sina Khalil Ramos (2 Cool 2 Be 4gotten), Tommy Abuel (Dagsin), Bembol Roco (Pauwi Na), Garry Cabalic (Paglipay), Paolo Ballesteros (Die Beautiful), Ronwaldo Martin (Pamilya Ordinaryo), at Pepe Smith (Singing in Graveyards).
Bukod kay Dayoc, lalaban din para sa Pinakamahusay sa Direksiyon sina Lav Diaz (Ang Babaeng Humayo), Brillante Mendoza (Ma’ Rosa), Eduardo Roy, Jr. (Pamilya Ordinaryo), Zig Dulay (Paglipay), Bagane Fiola (Baboy Halas), Paolo Villaluna (Pauwi Na), Avid Liongoren (Saving Sally) at Lemuel Lorca (Ned’s Project).
Nominated naman sina John Lloyd Cruz (Ang Babaeng Humayo), Nonie Buencamino (Babaeng Humayo), Taha Daranda (Women of the Weeping River), Christian Bables (Die Beautiful), Jess Mendoza (Hinulid), at Julio Diaz (Ma’ Rosa) para sa Pinakamahusay na pangalawang Aktor.
Sina Rhed Bustamante (Seklusyon), Barbie Forteza (Tuos), Sharifa Pearlsia Ali-Dans (Women of the Weeping River), Anna Luna (Paglipay), Joan dela Cruz (Pagligay), Lui Manansala (Ned’s Project), Lotlot de Leon (Mrs), Janine Gutierrez (Dagsin), Mariam Zimadar Haji Caranay Raper (Women of the Weeping River), at Meryll Soriano (Pauwi Na) ang mga nominado para naman sa Pinakamahusay na Pangalawang Aktres.
Kasama rin sa mga kategorya ng awards ang Pinakamahusay na Dulang Pampelikula, Pinakamahusay na Sinematograpiya, Pinakamahusay na Disenyong Pamproduksyon, Pinakamahusay na Editing, Pinakamahusay na Musika, Pinakamahusay na Tunog, Pinakamahusay na Maikling Pelikula, at Pinakamahusay na Dokyumentaryo.
Ang mga nominado at mananalo ay pinipili mismo ng kapisanan ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino na kinabibilangan ng mga natatanging pangalan sa industriya. Ito ay pinangungunahan ng chairman nito na si Tito Genova Valiente kasama ang mga miyembro na sina Rolando Tolentino, Grace Javier Alfonso, Butch Francisco, Mario Hernando, Bienvenido Lumbera, Miguel Rapatan, Benilda Santos, Dr. Nicanor Tiongson at Lito Zulueta.
Abangan ang 40th Gawad Urian sa Cinema One (SkyCable ch. 56, Destiny Cable Digital Channel 56, at Destiny Analog Ch. 37) sa darating na Hulyo 20 (9 p.m.).