ITO ay patungkol sa liham ni Eliseo Lamsen ng Brgy. Poblacion, Sta. Barbara, Pangasinan. Isa siyang Grab driver na nag-resign sa dating trabaho. Tanong niya ay kung paano niya maipagpapatuloy ang pagiging miyembro ng SSS at hindi maputol ang kanyang benipisyo.
REPLY: Bilang tugon sa email ni G. Eliseo Lamsen tungkol sa pagpapatuloy niya ng paghuhulog sa SSS.
Hindi po nabanggit ni G. Lamsen ang kanyang SSS number kaya hindi po namin maberepika ang kanyang rekord.
Gayunpaman, nabanggit po niya sa kanyang sulat na dati na siyang miyembro ng SSS at naipagbayad ng buwanang kontribusyon ng kanyang dating employer. Kung kaya maaari po niyang ipagpatuloy ang kanyang paghuhulog bilang boluntaryong miyembro. Ang kailangan lamang niyang gawin upang mapalitan ang kanyang membership status ng voluntary member ay punuan ang nakalakip na Contribution Payment Return Form at direktang magbayad ng buwanang hulog sa pamamagitan ng mga sumusunod.
Over-the-counter (OTC) sa alinmang SSS branch na may tellering units
Bayad Centers
Automatic Debit Arrangement (ADA) sa mga SSS Accredited Banks
Bancnet Online
Para po sa katanungan ng ating mga miyembro, maaari din po silang mag-email samember_relations@sss.gov.ph o tumawag sa call center 920-6446 hanggang 55.
Sana ay aming nabigyang-linaw ang inyong katanungan.
Salamat po,
Sumasainyo,
.L. FRANCISCO
Social Security
Officer IV
Media Monitoring and Feedback
Media Affairs Department
Noted:
MA. LUISA P.
SEBASTIAN
Department
Manager III
Media Affairs
Department
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.