Sigaw ng mga bashers: Joshua, Julia naggagamitan lang

JOSHUA Garcia’s one sweet guy.

Sinorpresa niya si Julia Barretto matapos itong ma-discharge sa ospital by arranging a dinner date sa bahay ng dalaga.

Viral na sa internet ang video ng dinner date ng dalawa. Joshua ushered Julia sa garden where it was lighted at nagkalat ang rose petals. Ang daming natuwa sa gesture ng binata.

Siyempre pa’y kilig na kilig ang star ng A Love To Last sa ginawa ng kanyang screen partner.

Marami ang nag-react na staged ang dinner date nila. May nagsabing OA ang dalawa. May nagsabi ring promo ito.

“Why so bitter people? Just because they are famous they can’t express their love on socmed? Lahat nalang sinasabihan ng ‘promo’ or OA.

“Syempre, proud yung Joshua kay Julia. And Julia, bilang dalaga, shineshare niya yung sweet things na ginagawa sa kanya ni Joshua. Kayo ang OA,” supalpal ng fan ng dalawa.

Read more...