Maine pinagkaguluhan sa Hong Kong, Anjo instant bodyguard at hawi boy

PUMAPEL na Hawi Boy ni Maine Mendoza si Anjo Yllana pagdating nila sa Hong Kong airport kahapon.

Nagkagulo ang mga Pinoy na nakakita sa kanya kaya kinailangang bakuran ni Anjo ang dalaga.

Panay ang tanong ng fans nina Maine at Alden Richards kung susunod ba ang binata sa HK. Sumalang muna kasi sa Sunday PinaSaya kahapon ang Pambansang Bae. Inasahan nilang sasabay siya kina Mr.

Tony Tuviera (ng TAPE, Inc.) at Paolo Ballesteros sa kanilang flight.

Pero wala ni anino ng Pambasang Bae nang mag-groupie ang ilang EB Dabarkads na pinost ni Paolo sa Instagram account niya. Panay ang tanong tuloy ng netizens kung susunod pa ba siya sa Hong Kong
Siyempre, feel din ng AlDub Nation na magsama ang kanilang idolo sa HK. Last year kasi nu’ng nagbakasyon ang Dabarkads doon, hindi rin nakasunod si Alden.

Read more...