Luis, Jessy nag-1st anniv sa sosyal na hotel

Larawan mula sa Instagram account ni Luis Manzano

Muling pinatunayan nina Luis Manzano at Jessy Mendiola na hindi na sila masyadong naaapektuhan sa mga pambabastos sa kanila ng kanilang mga basher at hater.

Last Sunday, nag-celebrate ng kanilang first anniversary ang magdyowa sa Solaire Resort & Casino kung saan nila sinamantala ang long weekend.

Sa kanilang mga Instagram account, nag-post sina Luis at Jessy ng mga photo na kuha sa kanilang celebration kung saan ibinandera nila sa buong universe ang matinding pagmamahal nila sa isa’t isa.

Mensahe ni Luis sa kanyang girlfriend, “Happy Anniversary to you Wowow. Thank you for leaving a smile on my face after a year and looking forward to many more!

“Your strength day in and day out never fails to impress me and amazing would be an understatement to describe you… I wowow you!” dagdag pa ng TV host-comedian.

Sa isang photo nila ni Luis na ipinost ni Jessy sa IG, nilagyan niya ito ng caption na: “Happy anniversary my love! Thank you for coming into my life and making me laugh everyday.

“I am indeed such a lucky girl, one year has gone by and here I am falling in love with you more every single day. Here’s to one year and forever.”

Read more...