NAIMBIYERNA si Anne Curtis sa ilang netizens na nambabasag sa trip niya bilang K-drama addict.
May mga social media followers kasi ang TV host-actress na nagsasabing ang OA-OA na raw niya sa pagbabalandra ng kanyang pagkaadik sa mga Korean soap opera, lalo na ang pagkabaliw niya sa Korean actor na si Gong Yoo, ang bida sa seryeng Goblin na napapanood ngayon sa ABS-CBN.
Sagot naman ni Anne sa mga basher sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, “Everyone has their own kdrama or Kpop fan girl journey. So please don’t ruin mine.”
“For those who find my k-drama fangirling Baduy, OA, annoying or feeling ang daming alam….kindly hit unfollow na lang instead of attacking me with mean or hateful comments.
“Hindi ba dapat the more the merrier? Bakit kailangan ng hate?” chika pa ng dalaga.
Sey pa ni Anne, hinding-hindi siya titigil sa panonood ng mga K-drama dahil napapaligaya siya nito nang bonggang-bongga, “I will continue to tweet, IG stories or go gaga over any series or movie I watch. Kasi yun ako at yun ang happiness ko.”
Hirit pa ng It’s Showtime host, “I’m not judging anyone else’s fan girl life so PLEASE don’t judge mine.
It’s such a happy place that brings me so much kilig and positive feelings. Haeongbog lang tayo ok? Kamsahamnida!”