P104M jackpot ng Ultra Lotto hindi tinamaan

Walang nanalo sa P104.4 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 kagabi.
Kaya posibleng umabot sa P110 milyon ang jackpot prize sa bola sa Martes.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang tumaya sa winning number combination na 51-28-36-01-40-56.
Isa lang ang nakakuha ng lima sa winning numbers at nanalo ito ng P280,000.
Tig-P3,800 naman ang 190 mananaya na naka-apat na numero at balik ang P20 taya ng 5,408 na nakatatlong numero.
Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Read more...