Maga-abroad uli

Sulat mula kay Lanie ng Barangay Binuangan, Oroquieta City
Dear Sir Greenfield,
Dati po akong OFW sa Middle East at halos limang taon ako roon.  Nakaipon din ng konti, pero ayaw ko nang bumalik doon dahil niyayaya ako ng pinsan ko na magtrabaho sa Canada.  Ang sabi niya sa akin mag-aplay daw ako sa Canada at tutulungan daw niya akong makapunta doon. Pero kailangan daw munang mag-Midle East muli ako at kapag naroon na ako, mas madali na raw akong makararating ng Canada dahil hindi naman ako Arabo. Kaya ang itatanong ko po sa inyo Sir Greenfield kung matutulungan nga ako ng pinsan ko?  Matagal ko nang pangarap ang makarating ng Canada at doon na manirahan habambuhay.
Umaasa,
Lanie ng Barangay Binuangan,
Oroquieta City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malawak na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, Oo nga’t nakapag-Middle East ka na, tunay ngang marami pang mga pangingibng bansa ang iyong mararanasan.
Cartomancy:
Queen of Hearts, Seven of Diamonds at Queen of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing dalawang babae ang tutulong sa iyo upang ikaw ay makapag-abrod muli. Kung saan, sa buwan ng Hulyo sa taon ding ito, may pangingibang bansa na itatala sa iyong karanasan.  Mula sa Middle East, lilipas ang ilan pang panahon, Maga-abroad uli.

Itutuloy

Read more...