Bela nagbilad ng hubad ng katawan sa beach, pinaglaway ang mga lalaki at tibo

Larawan mula sa Instagram account ni Bela Padilla

PINAGLAWAY ng Kapamilya actress na si Bela Padilla ang mga kalalakihan at katomboyan sa social media dahil sa seksing larawan na ipinost niya kamakailan sa Instagram.

Pagkatapos ng Primetime Bida serye nilang May Dear Heart ay agad nagbakasyon ang dalaga sa isang beach resort kasama ang kanyang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

Seksing-seksi si Bela sa mga litratong ibinandera niya sa IG na kuha sa kanilang island-hopping adventure, kung saan buong-ningning niyang ibinilad ang kanyang katawan suot ang kanyang itim na two-piece kaya naman lutang na lutang ang kanyang kaputian.

Sa isang photo, ito ang makahulugang caption na inilagay ng dalaga, “The only way I could love this moment more is if you were here.” Marami tuloy siyang followers ang na-curious kung sino ang kanyang tinutukoy sa kanyang post.

Matagal-tagal na ring single si Bela after nilang mag-break ni Neil Arce na sinasabing boyfriend na ngayon ni Angel Locsin. Pero may mga chika na nagkakamabutihan na sina Bela at Zanjoe Marudo na nagsimula nga sa seryeng pinagtambalan nila, ang My Dear Heart. Si Zanjoe nga kaya ang tinutukoy ni Bela na nami-miss niya sa kanyang bakasyon?

Sa isa pang photo na ipinost ng aktres sa IG, makikita naman ang pag-eenjoy niya kasana ang kaibigang si Dani Barretto, anak ni Marjorie Barretto, na kuha sa Cebu. May caption ito na: “Until I’m alive, you’ll never be alone.”

 

Read more...