Liza masama ang loob sa mga bastos na bashers

KUNG magdesisyon si Liza Soberano na i-deactivate na rin ang kanyang social media accounts, huwag na kayong magtaka kung bakit.

Kahapon, ipinarating ng dalaga ang kanyang sama ng loob sa mga netizens na walang ginawa kundi ang manira at manlait ng ibang tao sa social media.

Tweet ni Liza, “Tired of social media and the verbal abuse celebrities get online.” Ibig sabihin, posibleng magpaalam na ang bagong Darna sa mundo ng social media at tumigil na sa pakikipag-communicate sa kanyang mga followers.

Agad namang nagpahatid ng kanilang suporta ang LizQuen fans sa dalaga. Ayon sa isa niyang follower, “Pls ignore na lang, know that there are more people who love & care for you!”

“NEVERMIND Those NEGA. It’s not worth your TIME THERE ARE A LOT OF POSITIVE on Social Media Worthy Much Of Your TIME#ChoosePositive #GVLang!” ang sabi naman ng isa niyang tagasuporta.

Read more...