Ang nakawan noong panahon ni Cory

HINATULAN ng 12 hanggang 20 taong pagkabilanggo ang dating chairman ng Presidential Commission on Good Government na si Camilo Sabio dahil sa irregular na lease deal ng mga sasakyan na nagkakahalaga ng P12.13 milyon.

Walang masabi sa mga reporters si Sabio matapos siyang mahatulan ng Sandiganbayan First Division.

Ang PCGG ay itinatag ng gobyerno ni Pangulong Cory Aquino matapos mapatalsik ang diktador na si Ferdinand Marcos.

Ang dahilan ng pagtatag ng PCGG ay upang mabawi ang mga yaman na ninakaw ng pamilya Marcos sa gobiyerno.

Pero kabaligtaran ang ginawa ng mga opisyal ng PCGG noon: Sila mismo ang nagnakaw sa gobyerno na gaya nang ginawa ni Sabio.

Hindi lang naman si Sabio ang nagnakaw sa gobyerno at sa mga kumpanya na sinequester ng gobyerno: Halos lahat ng opisyal ng PCGG at ibang ahensiya ng gobyerno ay nagkamal ng nakaw na salapi.

Para silang mga hayok sa pera dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nabigyan sila ng tsansa na makapagnakaw.

Wala kasing magnanakaw noong panahon ng diktadura kundi ang pamilya Marcos lang at kanyang mga cronies.

Nang mabigyan ang mga tauhan ni Cory ng pagkakataon na makapagnakaw, ay walang habag sa pangungurakot ang ginawa ng mga ito.

Bakit? Dahil walang makapipigil sa kanila.

Ang Pangulong Cory ay tatanga-tanga dahil siya’y housewife lamang bago siya mahalal at nang nasa Malakanyang siya ay wala siyang ginawa kundi makipag-mahjong sa kanyang mga amiga.

Malas lang ni Sabio at siya ang nahuli.

 

***

Hindi natin masisisi si Cory sa kanyang kawalan ng interes sa pagpapatakbo ng bansa.

Gusto na niyang bumitiw sa tungkulin ngunit siya’y pinilit ng kanyang mga kamag-anak, lalo na ang kanyang kapatid na si Peping Cojuangco, na magpatuloy.

Ang mga kamag-anak ni Cory, na tinawag ng yumaong kolumnistang si Louie Beltran na “Kamag-anak Inc.,” ang pasimuno sa mga nakawan.

Nakaw dito at nakaw doon ang ginawa ng Kamag-anak Inc.

Siyempre, ginaya sila ng ibang tauhan ng gobyerno.

Mas marami pa nga raw ang nanakaw noong panahon ni Cory kesa noong panahon ni Marcos.

Di nga lang sila garapal gaya ng mag-asawang Marcos at kanilang mga kaibigan.

***

Kung si Cory ay mahilig mag-mahjong noong siya’y presidente, ang kanya namang anak na si Noynoy ay mahilig mag-playstation at magpusoy.

Ganoon ang pagpapatakbo na ginawa ng mag-ina nang sila’y nasa kapangyarihan pa.

Si Noynoy ay walang ipinasang batas nang siya’y congressman ng Tarlac at senador.

Nang siya’y naging Pangulo mas lalo siyang walang ginawa.

Kung may ginawa ba siya ay lalaganap ang droga at lalala ang problema sa New People’s Army at Abu Sayyaf?

I have it on good authority na goodtime lang ng goodtime kasama ang kanyang mga kaibigan ang ginawa niya.

***

Dahil siya’y laki sa layaw at anak ng cacique o pamilyang nagmamay-ari ng malaking lupain, wala siyang simpatiya sa mga mahihirap.

Palabas lang o press release kung siya’y dumadalaw sa mga biktima ng baha at kung ginawa man niya yun ay nakasakay siya ng six-by-six truck  upang hindi mabasa ang kanyang mga paa.

Ang katunayan na wala siyang pagmamahal sa mga mahihirap ay lumabas noong dumating ang mga labi ng mga 44 troopers ng Special Action Force na kanyang pinadala sa Mamasapano, Maguindanao.
Sa halip na salubungin ang labi ng mga napatay na mga commando ay dumalo siya sa  inauguration ng isang car plant sa Laguna.

Read more...