Nar Cabico naging instant BFF ni Jen dahil sa ‘MLFTS’

UNANG nakilala ang singer-comedian na si Nar Cabico sa seryeng Beautiful Strangers bilang kasamahang pulubi ni Lovi Poe.

Kinaaliwan ang karakter niya rito dahil napakataklesa at sobrang funny! Pero mas nabigyan ng break si Nar nang tanghalin bilang grand winner sa celebrity reality talent show na Superstar Duets dahil sa galing niyang mag-perform.

Hindi lang siya umaarte, kumakanta pa siya at nagpi-P.A. pa! Pero ang P.A. stint niya ay para lang naman sa seryeng My Love From The Star.

Siya ang gumaganap na responsible pero laging aligagang alalay ni Steffi Chavez (Jennylyn Mercado) na si Jun. Dahil nga lagi silang magkaeksena ni Jen, naging tunay na magkabarkada ang dalawa. Sa katunayan, panay nga ang pag-hang out nila these past few days kung saan saan.

Ang pinakahuli ngang bonding session nila ay naganap kamakailan kung saan nag-badminton sila kasama si Analyn Barro na napapanood din sa MLFTS sa GMA Telebabad!

Read more...