Uunlad ang kabuhayan kung sa malayong lugar maninirahan (2)

Sulat mula kay Issa ng Poblacion II, Obrero, Butuan City
Problema:
1. Mga limang taon na kaming kasal ng mister ko at may dalawa na kaming anak. Ang problema hanggang ngayon ay hirap pa rin kami sa buhay. Sa bukid lang nagta-trabaho ang mister ko habang ako naman ay tapos ng teacher pero hindi ako nagtuturo sa ngayon sa halip ay nagtu-tutor lang na may maliit lang na suweldo. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung paano po ba uunlad at makakaaahon sa kahirapan ang aming pamilya?
2. Dapat ba akong magturo sa public school kahit hindi naman ako pasado sa board exam? Sana matulungan nyo kami na umunlad para sa aming mga anak. December 14, 1984 ang birthday ko at May 17, 1982 naman ang mister ko.
Umaasa,
Issa ng Butuan City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) at Taurus naman ang mister mo ay nagsasabing tugma at compatible kayo. Basta’t magtangka lamang kayo na umalis sa inyong lugar at magsimula ng mag-aplay sa abroad, sa taon ding ito ng 2017 may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Numerology:
Ang birth date mong 14 at 17 naman ang mister mo ay nagsasabing, kapag tuluyan na kayong lumayo sa sinilangan nyong bayan o nag-iba kayo ng tirahan, tulad ng naipaliwanag na, sa malayong lugar kayo uunlad, makaka-ahon sa kahirapan at yayaman.
Luscher Color Test:
Upang palarin sa pag-aabroad at sa lahat ng aspeto ng buhay, lagi kayong magsuot at gumamit ng kulay na berde, pula at dilaw. Ang nasabing mga kulay ang lalo pang magpapaganda ng inyong kaparalan.
Huling payo at paalala:
Issa ayon sa inyong kapalaran, dapat ka ngang mag-trabaho, pero mas maganda kung sa abroad, habang si mister naman ay dapat na magnegosyo. Pero bago nyo gawin iyan, ang pag-aabroad at pagnenegosyo, lumayo muna kayo sa sinilangan nyong bayan o sa kasalukuyan nyong tirahan. Makikita mo, sa malayong lugar, tiyak ang magaganap, doon na nga makakamit ang malaking suwerte, aat pag-unlad ng inyong kabuhayan hanggang sa tuloy-tuloy na kayong yumaman.

Read more...