Nadine sa buntis isyu: False news, pagkain lang ang nasa tiyan ko!

NADINE LUSTRE

KUMALAT kahapon sa social media ang balitang buntis daw si Nadine Lustre.

Buti na lang mabilis na nilinaw ng girlfriend ni James Reid ang tsismis. Ayon sa dalaga, wala siyang idea kung saan nanggaling ang nasabing fake news.

“Hindi ko nga po alam, e. Pagkain lang po ‘yung nasa loob ng tiyan ko,” natatawang chika ni Nadine sa panayam ng ABS-CBN. Hirit pa nga ng dalaga, kung kailan daw nabawasan ang timbang niya ay saka naman siya natsismis na buntis.

Hangga’t maaari ay ayaw nang pumatol ni Nadine sa mga bashers at haters sa social media, pero may pagkakataon na talagang kailangan niyang sumagot lalo na kapag below the belt na ang sinasabi ng mga ito,  “Depende kasi, e. May times na dedma. May times talaga na kailangan mag-speak up ka.”

Naikuwento rin ng dyowa ni James na kinakarir niya ngayon ang pagpapaganda ng katawan, “Nagdyi-gym po ako pero hindi regular. Controlled eating lang po ako talaga.”

Read more...