Solon niyakap, hinalikan ang bangkay na misis

 
Inalala ni Pampanga Rep. Aurelio ‘Dong’ Gonzales ang tagpo ng puntahan niya ang bangkay ng kanyang misis na si Elizabeth na kabilang sa 37 namatay sa Resorts World Manila.
    Kahapon ang unang pagkakataon na nagsalita si Gonzales sa media kaugnay ng sinapit ng kanyang misis na sa paniwala niya ay nabuhay kung dumating kaagad ang rescue team.
    “My wife died June 2 midnight, and I think when I went to the Resorts World ‘ah mabubuhay pa po siguro siya nun’ kasi konting oras lang mainit pa eh. I went to Ilocos Sur in Vigan Airport in two hours flight, I went to resorts world palagay ko kung merong nag-rescue kaagad sa kanya mabubuhay pa po sila lahat including my wife,” ani Gonzales.
      Sinabi ni Gonzales na hindi siya pumunta sa pagdinig ng nangyari sa RW Manila dahil magiging emosyonal lamang siya.”
      “Inakbayan ko yung wife ko, hinalikan ko siya, in-open ko yung kanyang body bag mainit pa yung paa niya, mainit pa yung kamay niya, mainit pa yung face niya, hinalikan ko siya, in-embrace ko siya ng mahigpit ‘nabubuhay pa to kung merong dumating kaagad (na rescue)’, ani Gonzales. “That’s why i didn’t attended the previous hearings otherwise magiging emotional naman po ako.”
      Dumalo kahapon si Gonzales sa pagdinig ng House committee on banks and financial intermediaries na pinamumunuan ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone kaugnay ng pag-withdraw sa ATM ng kanyang misis habang ito ay nakaburol.
      Sinabi ni Gonzales na inipon niya ang lahat ng bank account ng kanyang misis kabilang ang RCBC account nito.
    “Eh natyempuhan ko po itong RCBC galing po ako dun nung June 13 (sa RCBC), ang mahirap po dito namatay po siya noong June 2nd nakapag-ATM pa po siya ng June 5 on the record, this record galing pa po ito sa bangko ng RCBC.”
      Sinabihan umano si Gonzales ng manager ng bangko dahil nagtaka ito ng makita ang rekord.
      “Nabigla yung manager ng bangko, nag inquire lang ako sabi nila congressman may nakapag ATM pa nung June 5 di ba nakaburol yung asawa nyo. Nabigla ako hindi ko kasi alam yun.”
      Nag-withdraw umano ng P10,000 alas-6:15 ng gabi noong Hunyo 5, at P10,000 ulit makalipas ang isang minuto at P500 makalipas ang ilang segundo.
      “Nakakalungkot naman po nawala na nga po yung aking asawa, nawala po yung jewelries wala pong problema yan, eh ang nakakalungkot po itong kalokohan pang nangyayari sa mga bangko,” saad ng solon.

Read more...