Pakiusap ni Enrique: Darna costume ni Liza huwag daw masyadong sexy

LIZA SOBERANO AT ENRIQUE GIL

BAGO pa man lumabas sa balita, alam na naming pinayagan ng grupo ni Liza Soberano, mga trainor niya at ng management si Enrique Gil na sumabay sa training ng batang aktres for “Darna.”

Ayon sa aming source, nagsimula lang daw ‘yun sa kantiyaw ng binata na curious siyang makita ang transformation ng “GF” from being so very lady-like to a superhero warrior.

Kaya nang makita raw nitong sobrang focused and dedicated si Liza mula sa diet hanggang sa mga work-out nito, nag-decide ang binata na humingi ng permiso kung puwede siyang sumabay sa aktres.

Halos everyday nila itong ginagawa at balitang si Quen pa minsan ang nagsisilbing “PA” (personal alalay) ni Liza sa ilang pangangailangan nito. “Ganu’n siya ka-supportive,” sey pa ng kausap namin.

Pero may ilang mga nagsasabi na preparations na rin ito ng aktor sa napapabalitang pagganap niya bilang Captain Barbel na posibleng magkaroon ng special appearance sa “Darna” tulad nga ng ginawa noon ni Sharon Cuneta sa “Captain Barbell” nina Edu Manzano at Herbert Bautista.

Whatever, basta super saya ang maraming fans dahil ang ibig sabihin lang nito, hindi pa rin mabubuwag o maghihiwalay ang tambalang LizQuen.

Still on Enrique Gil, kaaliw ‘yung tila pakiusap nitong gawing medyo conservative ang two-piece costume ni Liza bilang Darna.

“That is how Darna was, pero sana magawan ng paraan yung pagiging sobrang revealing ng costume,” or words to that effect na komento ng aktor.

Nakakatuwa dahil ramdam mo pa rin ang sobrang pagprotekta ni Quen sa magandang aktres na posibleng maging “sex object” sa mga kalalakihan kapag super sexy nga ang ibibigay na costume kay Liza.

Well, gaya ng marami ay super duper curious din kami sa kung ano nga ba ang magiging final look ng magiging millennial Darna.

Read more...