Sakaling magre-resign ka…

MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Isa po akong liaison officer sa kumpanya na dati kung pinapasukan. Noon lamang pong isang linggo ay nag-resign ako sa pinagtatrabahuhan ko dahil gusto ko na sanang mag negosyo .

Pero sabi po ng HR namin ay bakit bigla-bigla akong nag-resign na ang effectivity ay noong araw din na iyon sana daw po ay may one month advice muna bago ako nag-resign.

Medyo nabahala din po ako. Ask ko lang po kung may lalabagin po ba ako sang-ayon na rin sa labor law  na dapat ay may one month notice ang aking pagre-resign. Ano po ang dapat kung gawin?

Virgilio Gomez
Plaza Quezon
Las Pinas City

REPLY: Tama po ang inyong HR. Malinaw po sa labor code, mapa-termination o resignation man, ang empleyado ay nararapat mag-serve ng one month duration prior to his/her resignation or termination date para makapagproseso ng inyong clearance.

Salamat po.
JOT
Action Officer

Labor Communications Office
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000
local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?   Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City  o kaya ay mag-email  sa  jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran  sa abot ng  aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ  990AM sa  Programang Let’s Talk;  Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7  hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng  Bayan tuwing  Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...