Kailan mabubuntis ang kinakasama?

Sulat mula kay Jess ng Bantug, Guimba,
Nueva Eicja Dear Sir Greenfield,

May live-in-partner po ako at magdadalawang taon na ang aming relasyon. Ang labis ko lang ipinagtataka ay kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nabubuntis gayong panay-panay naman ang aming pagtataliik. Ang pangako ko kasi sa kanya ay kapag nabuntis na siya ay magpapakasal na kami. Kailan kaya siya mabubuntis? At itatanong ko na rin sana ay kung compatible kami at kung kami na ang magkakatuluyan? At kapag kami ang nagkatuluyan, magkakaroon kaya kami ng isang maligaya at panghabangbuhay na pamilya balang araw? March 10, 1982 ang birthday ko at July 16, 1989 naman ang ka-live in partner ko.
Umaasa,
Jess ng Nueva Ecija
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang naman ang malinaw, mahaba at makapal na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, malaki ang posibilidad na ang kasalukuyan mong live-in-partner ang nakatakda mong nga na mapangasawa at makakasama habangbuhay.
Cartomancy:
Seven of Hearts, King of Clubs at Queen of Clubs ang lumabas (Illustration 1.).
Ang mga baraha ang nagsasabing bukod sa may pangako ng isang maligaya, masagana at panghabangbuhay na samahan, sa tinatayang sa taon ding ito, sa buwan ng Hulyo, maaaring matsambahan mo nang mabuntis ang iyong live-in partner at pagkatapos ng siyam na buwan isang malusog at magandang babaeng sanggol ang isisilang.
Itutuloy

Read more...