Jason wagi sa pananahimik tungkol sa ‘socmed scandal’

JASON ABALOS

NAKATANGGAP kami ng tsika from a friend ni Jason Abalos na mas ginusto nitong manahimik na lang at huwag nang sagutin ang isyung ibinato sa kanya ng isang kolehiyala na umano’y nabiktima ng aktor sa social media.

“Hahaba lang kasi ang isyu. Magpaliwanag man siya, yung mga tao ay manghuhusga pa rin. Let him be happy na lang dahil wala namang na-prove o nakapag-prove nang mga ibinibintang kay Jason,” hirit ng kausap namin.

Ang sinasabi ngang isyu ay yung tungkol sa umano’y “sexual favor” na nais makuha ng aktor mula sa isang female netizen na naging friend niya sa social media.

Sa pagkakaalam namin, ang huling scandal na kinasangkutan ni Jason ay hindi nakaapekto sa relasyon nila ng kanyang non-showbiz girlfriend. Meaning, talagang mahal na mahal nu’ng girl si Jason na dinedma lang ang nasabing isyu kahit na nga medyo maselan ito.

Read more...