Sarah nagulat sa ginawa ni Richard sa premiere night ng ‘Pagsanib kay Leah…’

DINAAN ni Sarah Lahbati sa Instagram ang pasasalamat sa partner na si Richard Gutierrez nang sorpresahin siya sa special screening ng movie niyang “Ang Pagsanib Kay Leah dela Cruz” last Monday night sa Robinson’s Galleria Cinema.

“Thanks for surprising me last night, mon amour,” caption ni Sarah na may kasamang bouquet of pink roses. Sa isa niyang post, sinabi niyang 5th anniversary na nila ni Chard.

Proud partner ang mararamdaman ni Richard kapag napanood niya ang “APKLDLC” dahil lutang na lutang ang galing ni Sarah sa pelikula. Sa kuwento, isa siyang police na may hindi makalimutan sa kinasangkutang trahedya.

Eh, kailangan niyang tulungan ang dahilan ng pagpapakamatay ng isang teenager na ginampanan ni Shy Carlos bilang si Leah. Du’n na lumabas ang sari-saring emosyong napagtagumpayan namang maihatid ni Sarah sa kabuuan ng movie.

In fairness naman sa direktorang si Katski Flores, winner ang pagkakagawa niya ng movie. Malakas ang gulat factor at tama si Sarah sa pagsasabing hindi ito ordinaryong horror movie.

Nandoon pa rin kasi ang tatak ng direktor na si Erik Matti, ang gumawa ng “Sekslusyon”, dahil siya nga ang producer ng pelikula. Kaya naman, naitawid ni direk Flores ang nais iparating na mensahe ng movie na ang demonyo ay nasa iba’t ibang uri ng anyo at lugar.

Ito’y produced by Kamikaze Pictures, Viva Films at Reality Entertainment ni Dondon Monteverde. Showing na ito sa June 28.

Read more...