Sylvia kay Art: Kung namatay ako at nabuhay uli, hahanapin pa rin kita!

HINDI nakapag-celebrate ng Father’s Day ang mag-anak na Atayde nitong Linggo dahil nasa Santiago City, Isabela si Sylvia Sanchez para sa meet and greet ng pagbubukas ng bagong sangay ng Beaute’Derm.

Nakasama ni Ibyang ang Kapamilya actor at isa sa gumanap na anak niya sa The Greatest Love na si Matt Evans na isa rin sa endorser ng nasabing kumpanya.

Matagal na kasi itong nakaplano kaya hindi puwedeng i-cancel kaya labis ang pagpapasalamat ni Ibyang sa asawang si Papa Art Atayde dahil sobrang supportive nito sa kanyang career at maging sa mga anak nila.

Bisi-bisihan din ang magkakapatid na Arjo at Ria Atayde noong Linggo pero hindi naman sila nakalimot na hindi batiin ang kanilang ama.

Kaya naman kahapon pagdating ni Sylvia galing Isabela ay talagang ipinagluto niya ng masarap na pananghalian ang pamilya.

Ang mensahe ni Ibyang kay Papa Art, “Kung sakaling mamatay ako’t mabuhay muli, hahanapin kita, dahil ikaw pa din ang gusto kong maging ama ng mga anak ko.

“Can’t imagine living without you, salamat sa pagiging isang mapagmahal at mabuting ama sa mga anak natin at sa pagiging bully mo sa amin ng mga anak mo.

“Mahal na mahal kita asawa ko, happy fathers day. #mygreatestlove #myeverything #mylife #husband. Happy morning.”

Samantala, balik #OperationTaba ngayong araw sa pagtakbo sa Ultra si Ibyang kasama ang mga anak at trainer niyang si Ms. Elma Muros.

Read more...