Socmed nabulabog sa pakulo ng GMA para sa Meant To Be ni Barbie

Barbie ang her leading men sa “Meant to be”. PHOTO FROM JAK ROBERTO’S IG ACCOUNT

BAHAGI rin ang desisyon ng GMA management kung sino ang makaka-Meant To Be ni Barbie Forteza sa series niya.

Nagkaroon man ng on line poll kung sino kina Ken Chan, Jak Roberto, Addy Raj at Ivan Dorschner ang magiging ka-forever ni Barbie as Billie, hindi ang resulta ng poll ang natatanging basehan ng pipiliin ng Kapuso Primetime Princess.

Last four days na ang MTB. Maya’t maya ang labas nila sa GMA programs upang mangampanya. Nabulabog nga ang social media dahil sa pakulong ito ng network, huh!

Kaakibat nito ang sari-saring tsismis na sa tunay na buhay, si Jak ang pinakamalapit sa puso ni Barbie. Sa fans naman, malakas ang Ken-Bie tandem. In fact, nakaabang na ang movie na gagawin ng dalawa mula sa Regal Multimedia at GMA Films.

Matira ang matibay kina Ken, Jak, Addy at Ivan!

Read more...