Kris sinigurong bongga ang mga eksena at may dialogue sa Hollywood movie

KRIS AQUINO

PAUWI na mula sa Singapore si Kris Aquino mula sa shooting ng kanyang Hollywood movie na ayaw niya pang banggitin ang titulo kahit pa alam na ng buong mundo.

Ang dami-daming kuwentong umiikot ngayon tungkol sa trabahong pinangarap niya nang matagal ng panahon, dinadaot ang TV host, dahil iilan lang naman daw ang eksena niya sa pelikula at wala pa siyang dialogue.

OA naman ang dating ng mga ganu’ng kuwento. Papayag ba naman si Kris na basta ganu’n lang ang magiging partisipasyon niya sa proyekto?

Natural, bago niya tinanggap ang Hollywood movie na ‘yun ay hiningi muna niya ang script para malaman niya ang laki at liit ng magiging role niya, magsisiguro na siyempre ang TV host.

Kung magiging pangdispley lang siya sa kuwento ay hindi ‘yun tatanggapin ni Kris, kailangang may mga dialogue siya, at kailangang marami rin siyang sequences.

Ipinagmamalaki ni Kris ang “Crazy Rich Asians” kahit pa pigil na pigil siyang banggitin ang titulo ng proyekto, pagkatapos ay wala naman pala siyang dialogue at dalawa-tatlong eksena lang ang mapapala niya, ipahihiya ba naman ni Kris ang kanyang sarili kung ganu’n lang ‘yun?

Siguradong bago pa lumipad sa Singapore si Kris kasama ang kanyang entourage ay malinaw na sa kanya ang lahat. May magandang exposure siya sa pelikula, may mga dialogue siya, hindi siya magmumukhang tanga.

Read more...