Liza game na game magsuot ng 2-piece costume bilang Darna

HANDA nang isuot ni Liza Soberano ang sexy two-piece costume ni Darna. Hindi pa alam ng dalaga kung ano ang magiging itsura ng magiging costume niya sa paglipad bilang bagong Darna sa pelikula.

May nagsasabi na baka raw one-piece costume ang ipasuot sa kanya tulad ng ginamit noon nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez. Pero may nag-suggest naman na two-piece dapat ang ipasuot kay Liza tulad ng karakter sa komiks.

Ayon kay Liza, “Well, of course, whatever is approved by the management, ‘yon po ang susuotin ko.”

Wala rin daw problema sa kanya kung magpakita siya ng kaunting skin sa nasabing proyekto, “Okay lang basta prepared lang po ako. Hindi yung bibiglain, ‘O, suotin mo ito.’

“If I were to choose, anything naman as long as I am prepared for it,” aniya pa kasabay ng pagsasabing,

“Yes, I am maturing. I’m turning 20 next year, so I think it’s about time na rin.”

Read more...