Tulad natin, hindi rin makararating sa kanilang kinaroroonan ang ilan sa mga hinahangaan nating mga celebrities kundi sa suporta ng haligi ng kanilang tahanan. Para sa selebrasyon ng Father’s Day, tinanong namin ang ilan sa inyong mga idolo kung anu-anong qualities ng kanilang pinakamamahal na tatay ang ipinagmalalaki nila at narito ang kanilang mga naging tugon.
JENNYLYN MERCADO: Napaka-cool ng tatay ko, ‘yung attitude niya very calm. Pag may problema hindi siya nagpa-panic. Yun yung na-appreciate ko. Di ba pag nagpa-panic yung isang tao hindi mo na rin alam yung gagawin mo pero siya, lahat ng problema talagang very calm..”
CHRISTIAN BAUTISTA: I’m very proud of my father, not just because it’s Father’s Day but because ni-raise niya kami, he is so hard working ibinigay niya sa amin lahat, lahat ng kailangan namin. Edukasyon namin pinrovide niya, kahit first cars ibinigay niya and ‘yung pagmamahal niya sa nanay namin. Bilang anak he is such an example to us. I love you dad!
KZ TANDINGAN: Sobrang proud na proud ako sa tatay ko, unang-una ay ‘yung faith niya sa Panginoon. Yung pag dumating yung point or moment na feeling namin hindi na maganda yung nangyayari o marami kaming problema, nandiyan siya palagi to remind us that whatever we are going through is just gonna pass.
At lahat ng pinagdadaanan namin pinagtitibay lang kami as people and as a family. Sobrang mapagmahal, yung okay lang kahit wala na siyang kainin basta lahat ng tao sa paligid niya nakakakain. He always puts other people first, huli na yung sarili niya. Saka tatay ko sobrang supportive kahit noong time na ayaw ko nang mag-audition, nandoon pa rin siya na naniniwala sa pangarap ko, naniniwala na kaya kong abutin ang pangarap ko.
JOLINA MAGDANGAL-ESCUETA: Qualities ni Daddy na talagang proud na proud ako at ina-apply ko ngayon sa buhay ko, sobrang intact yung values niya sa family. Sobra ko siyang ina-admire doon dahil naramdaman ko kung paano niya kami binigyan ng value. Kahit na busy siya sa trabaho pag talagang pamilya, pamilya at ipaglalaban niya talaga ‘yan.
Tapos very loving siya. Loving doon sa sense na sa service. Siya ‘yung nagluluto ng breakfast namin. Siya talaga ‘yung naglilinis ng lahat. Kung baga kung pwede na lang mahiga ‘yung mommy ko. He’s a good man. Lagi niya kaming sinasabihan na maging mabuti. Sinasabi niya sa amin ‘yung importance ng pagiging mabuting tao kasi nga ganu’n siya.
JACKIE RICE: Siguro yung habang pinapalaki nIya ako ‘yung pag may tama akong ginagawa sinasabi nIyang tama yun. Halimbawa perfect ‘yung score ko sa school, kasi nga hindi nIya naranasan sa dad niya ‘yun. Kaya pinaranas niya sa akin at maging responsable. For example kinuha mo to, ibalik mo kung saan mo kinuha. ‘Yun nakuha ko sa kanya. And maging independent, at the age of 18 nagtatrabaho na ko. Dapat magtrabaho ka, paghirapan mo.
GIL CUERVA: To my Dad, I am just thankful for all the help he has given to me, the amount of sacrifices he’s showed. Grabe it’s a testament to who he is as a person, his character, his strength of characher. To go to through all the things he has done, he still found time to put a roof above our heads and fill our table all the time.
It goes to show how much love, he has shown to me and not just to me but to my siblings and especially to my mom. And those are the qualities I would like to emulate especially when I start a family on my own in the future.
SUE RAMIREZ: May father passed away four years ago but of course ‘yung memory niya with me will always stay and will be in my heart forever. ‘Yung mga qualities ng dad ko na sobrang tumatak sa akin is kahit anong hirap at sakit ‘yung pinagdaanan niya noong may sakit siya, lagi lang siyang naka-smile, lagi lang siyang nakangiti sa lahat kahit hirap na hirap na siya.
Kaya na-apply ko ‘yung sa sarili ko na kahit anong pagod kahit anong hirap smile ka lang. A smile can go a long way, it can change moods of a lot of people. He’s very kind, very smart.
MARIS RACAL: ‘Yung tatay ko masayahin kahit maraming marami pong problema. Napaka-talented niya and ang galing niyang mag-provide ng mga bagay-bagay na kailangan namin. Hi papa happy happy Father’s Day mahal na mahal po kita alam mo ‘yan. Sobrang miss na kita kahit magkalayo tayo ngayon and ingat ka po diyan palagi ang we’ll always pray for you.
RICHARD GUTIERREZ: Ang Dad ko napakabait, down to earth and he treats everybody equally and very professional sa trabaho. Dad, I love you. Happy happy Father’s Day and your such a blessing to the whole family and we love you.
MATTEO GUIDICELLI: For Father’s Day the qualities of my Dad is…he taught me a lot, eh. He taught me how to be disciplined, he taught me how to have drive, most importantly he taught me how to be passionate. Papa kasi when he does something, he gives 110% in everything. Everything with him it always has passion and dedication to it.
Sometimes it’s very incredible to believe but that’s what he taught me to put so much passion in whatever you do. Happy Father’s Day Pa, and I wish you all the best and for being such an inspiration to me and to others also. I hope I could be like you when you grow up.
BIANCA UMALI: ‘Yung qualities na gusto ko sa tatay ko is ‘yung pagiging maparaan nIya kasi because lahat ng problema meron siyang solusyon. Daddy wherever you are, I hope you are happy in heaven. I love you and cheers Happy Fathers Day!
KIKO ESTRADA: Happy Father’s Day to all you good dads outthere. Gusto kong pasalamatan ang tatay ko, salamat sa pagdisiplina sa akin, sa pagsuporta sa akin saka sa pagmamahal. I love you. Ang payo ni Papa sa akin is to be disciplined always. Matulog ng maaga, alagaan ‘yung katawan saka mahalin ‘yung trabaho. So thank you for that.
RITA DANIELLA: ‘Yung qualities na hinangaan ko kay papa ay ‘yung meron siyang gift na makapagpasaya ng ibang tao, maraming tao at isa na kami doon ‘yung mga anak niya. Pangalawa ‘yung kapal ng mukha niya kasi kung paano niya dalhin ‘yung sarili niya grabe ‘yung confidence. ‘Yun ‘yung papa ko sobrang mapagmahal, very understanding, ‘yun ‘yung qualities na meron ‘yung papa ko.
LOISA ANDALIO: Ipinagmamalaki ko talaga ang papa ko. Si Papa napakabuting tao wala akong masabi. Mas iniisip niya yung ibang tao kaysa sa sarili niya. Iniisip niya kaming mga anak niya and si Papa napakamapagbigay. Lagi niya akong tsini-cheer up dito sa trabaho ko. Lagi niya akong gina-guide and every time na nagso-show ako lagi siyang may message sa aking mahaba lagi.
Siya ‘yung nagre-remind sa akin na laging magdasal, magpasalamat.