My Dear Heart nag-iwan ng mga aral ng buhay sa madlang pipol

TAPOS na ang seryeng natutuhan naming mahalin at yakapin gabi-gabi, ang My Dear Heart, na pinagbibidahan nina Nayomi “Heart” Ramos at Ms. Coney Reyes.

Napakahalaga rin siyempre ng ginagampanang role sa serye nina Zanjoe Marudo, Bela Padilla, Eric Quizon, Ria Atayde, Rio Locsin, Joey Marquez, Robert Arevalo, Alicia Alonzo, Ruby Ruby at ng paborito naming child actor na si Enzo Pelojero (si Binggo).

Sinimulan nang maayos ang kuwento at tinapos din ‘yun nang walang kuwestiyon ang daloy ng istorya. Pinapapanood din namin sa aming mga apo ang serye, marami kasing leksiyon ng buhay na itinuturo ang My Dear Heart, unang-una na ang paghawak sa pag-asa at kahalagahan ng pagpapatawad.

Magaling si Nayomi, mapakikinabangan ang talento ng bata kahit sa ibang seryeng nangangailangan ng batang artistang maitatawid ang mahahabang linya, pareho sila ni Enzo Pelojero na lumutang nang todo ang husay sa pag-arte.

Pinagbayaran ni Dr. Francis (Eric Quizon) ang napakalaki nitong utang kay Heart, nagbuwis naman ng buhay si Dra. Margarett para lang mabuhay ang kanyang apo, mas pinili ni Heart na makasama ang mga magulang na nagpalaki sa kanya kesa sa tunay niyang ina.

Obyus bang tinutukan namin talaga ang seryeng My Dear Heart? Sana’y magbigay pa uli ang Dreamscape Productions ng ganito kamakabuluhang serye sa manonood.

Maligayang bati sa kanilang lahat!

Read more...