Villar nagmalasakit na sa mga diabetic na Pinoy napasama pa

CYNTHIA VILLAR

NAGMALASAKIT na nga sa ating mga kababayan si Senadora Cynthia Villar ay napasama pa siya. Sikat na sikat ngayon sa social media ang kuwento tungkol sa unli rice na ginagawang malaking promo ng mga karinderya.

Walang panukalang batas na pinaplano ang senadora tungkol sa pagbabawal sa unli rice, hinding-hindi siya nakikialam sa mga kababayan nating malakas kumain ng kanin, ang kanyang sinabi ay suhestiyon lang naman para makaiwas sa pagkakasakit ang mga Pinoy.

Napakalaking problema ngayon ang sakit na diabetes. Masakit sa bulsa ang pagpapagamot, nalalagay pa sa peligro ang buhay ng maysakit, kahit saang doktor tayo magpatingin ay ipinagbabawal ng mga ito ang sobra-sobrang kanin dahil carbo ‘yun na nagiging asukal sa ating katawan.

Pero agad nang kumontra sa sinabi ni Senadora Cynthia Villar ang mga taong ni hindi muna inintindi ang kanyang payo at basta na lang nag-ingay. Bakit daw ipagbabawal ang unli rice, bakit daw pinanghihimasukan ng mambabatas ang kagustuhan ng mga Pinoy sa kanin, samantalang kapos na nga sila sa ulam?

Kilalang-kilala si Senadora Cynthia Villar sa pagtulong sa ating mga kababayan. Walang makakukuwestiyon sa malawakan niyang ayuda sa mahihirap na pamilya sa pamamagitan ng kanyang livelihood program tungkol sa paggawa ng mga produktong gawa sa water lily.

Pagmamalasakit ang binitiwang pahayag ng senadora, hindi pakikialam sa nakasanayan nang buhay ng mga Pinoy, totoong-totoo ang kanyang sinabi na may malakas na kaway sa pagkakaroon ng diabetes ang sobra-sobrang kanin.

Read more...