Youngstar napilitang lumipat ng school dahil sa ginawang pelikula tungkol sa mga tibo

TERI MALVAR

Sa nakaraang presscon ng “Ang Huling Cha-Cha Ni Anita” ay kinausap namin nang masinsinan si Teri Malvar, ang batang gumanap na Anita sa pelikula na palabas na ngayon sa mga SM Cinema bilang bahagi ng pagdiriwang ng Cine Lokal, sponsored ng Film Development Council of the Philippines o FDCP.

Ayon kay Teri, dose anyos palang siya nu’ng gawin niya ang pelikulang lumikha ng ingay noong 2013 sa CineFilipino Film Festival at nakapag-uwi rin ng maraming karangalan.

Sa pelikula ay nagkagusto si Teri sa karakter ni Angel Aquino bilang si Pilar kaya nagtataka kami kung paano siya napapayag na gawin ito gayung sensitibo ang tema. Ano ang sabi ng magulang niya? “‘Yung naging story po kasi, ‘yung mom ko, theater actress po siya, si Cherry Malvar po (napasama sa mga pelikulang Honor Thy Father, Bakal Boys at I Do Bidoo Bidoo Heto nAPO Sila). Nu’ng ipinagbubuntis niya po ako, umalis na siya sa PETA.

“Tapos nagpatuloy pa rin siya sa audition niya, tapos nu’ng summer (2012), bored po ako, parang gusto ko lang po mag-join (sa mama niya).  Sakto po, ‘yung io-audition niya nu’ng time na ‘yun ay CineFilipino (Film Festival), so naghanap po siya ng babagay sa akin (role), tapos sabi niya, ‘Ay eto dalawa, isa para sa Turkey (Ang Turkey Ay Pabo Rin), tapos itong Ang Huling Cha-Cha ni Anita.

“Ang tanong po sa akin sa Huling Cha-Cha ay kung willing ako to cut my hair. ‘Yun lang po yung worry ko that time, to cut my hair, kasi super duper haba po ng hair ko. So sabi ko, ayoko. But nag dalawang-isip po ako, sabi ko, ‘Sige na nga, sasama na lang ako sa board (meeting),” kuwento ni Teri.

Dagdag pa niya, “Tapos nu’ng pumunta na kami sa panel of directors, naka-line up kami ni mommy, magkasunod po kami sa pila, number 44 siya, 45 naman ako, then nu’ng tinanong ako ni direk Sigrid (Bernardo) kung willing akong i-cut ang hair ko, sabi ko, ‘yes’ tapos tinanong ako kung willing ako to kiss a girl, sabi ko, ‘which body part?’

“Nagtawanan po silang lahat and then at that same day, na-call back po ako and I read almost all the lines (ng script) and then ‘yung audition piece ko po sa for Huling Cha-Cha, naging part siya ng script, ‘Yung scene na, ‘Pilar ang ganda-ganda mo,’” kuwento ng bagets.

Dugtong pa ni Teri, “Actually, nu’ng time na tinanggap ko ‘yung role, hindi po kami naging worried on what issue or kung ano ‘yung kuwento ng film, wala po talaga akong malice.  And this one open my eyes even more kasi siyempre not only because the film is about LGBT but the people all around me on the set were all LGBT community and they’re still the best people and passionate people I’ve met,” aniya pa.

Nanalo agad si Teri ng Best Actress sa CineFilipino at naging nominado sa iba’t ibang filmfest dito sa bansa at abroad.

Samantala, sa tanong namin kung hindi ba siya nagkaproblema sa eskuwelahang pinapasukan niya dahil sa “Ang Huling Cha-Cha ni Anita”? “Meron po kaya nag-transfer po ako ng school at masaya ako kasi very open po sila of what I do kahit naga-absent po ako,” sabi ni Teri.

Nakaka-relate ba siya sa karakter niya bilang si Anita? “Malayo naman po ako sa ginawa kong character, hindi ko rin po naiisip (makipagrelasyon o manligaw sa kapwa babae),” tumatawang sabi ng dalagita.

Read more...