2 mangingisda lasog sa dinamita

Malubhang nasugatan ang dalawang mangingisda nang masabugan ng ginamit na dinamita sa bahagi ng dagat na malapit sa Sinait, Ilocos Sur, ayon sa pulisya.
Nagtamo ng pinsala sa iba-ibang bahagi ng katawan sina Danilo Ancheta, 31, at Ian Mark Dangcil, 27, kapwa residente ng Brgy. Teppeng, Sinait, ayon sa ulat ng Ilocos regional police.
Naganap ang insidente dakong alas-8 ng umaga Huwebes, sa bahagi ng dagat na nasa silangan ng Sinait.
Lumabas sa imbestigasyon na biglang sumabog ang dinamita nang sindihan ni Ancheta, ayon sa pulisya.

Read more...