Kris nagsinungaling noon kay Tita Cory para kay Gabby

KRIS AQUINO AT GABBY CONCEPCION

LOLIT Solis posted throwback photo of The Queen of Talk and Gabby Concepcion.

Ibinuking ni Lolit kung paano nakagawa ng paraan si Kris na makasama ang crush niyang si Gabby noon.

“Alam n’yo bigla ko naalala Kris at Gabby sa photo na ito kalokah. Si Kris ang favorite loveteam niya ay Sharon/Gabby kaya siguro crush na crush niya si Gabby noon pa so pagpasok niya ng showbiz kilig-kiligan siya.

“Nakakatawa, isang incident noon presidente pa si Tita Cory medyo ek ek boyfriend girlfriend silang dalawa at naisip nila ng mag-date sa Anilao Batangas, sa beach house ni Gabby. Of course hindi papayag si tita Cory. So ang ginawa ni Tetay nagpaalam sa mommy niya na may taping siya sa Anilao.

“Bongga, nag ocular dun ang PSG, nag aerial inspection pa the night before. So araw ng date, punta na si Kris with matching 16 PSG, mga alalay, friends at personal cook. Bongga di bah! Ito na, oras ng uwian sabi ng personal cook ni tita Cory ‘sumbong kita mommy mo wala naman palang taping nagkita lang kayo Gabby dito.’ Hah hah hah.

“Sagot ni Kris ‘Magsumbong ka mas maniniwala sa akin si mommy noh.’ O di ba bata pa si Kris maabilidad na at kahit bantayan pa 16 PSG lusot siya. kalokah talaga si Tetay hah hah. #throwbackkk #lolitkulit #instatalk @krisaquino @concepciongabby.”

‘Yan ang caption ni Lolit sa photo nina Kris at Gabby.

Read more...