NANDU’N na kami, third year high school lang ang naabot ni Sarah Geronimo dahil maaga siyang narahuyo ng magneto ng showbiz.
Pero nariyan ang maraming paraan making education accessible sa mga tulad ni Sarah, na kahit sa kanilang bahay ay maaari niyang gawin anumang oras siya bakante.
Bagama’t iba pa rin ang attendance sa classroom o normal schooling (as it underscores the importance of interaction), Sarah can settle for the next best alternative to suit her tight schedule.
Pero kung titingnan natin si Sarah, her smart stance betrays her educational attainment. For sure, meron siyang mga self-study programs. But then again, iba pa rin ang may tinapos, bagay that Sarah would instill in the minds of her kids in the future.
Tandang-tanda pa namin noong kami’y nagtuturo. May evening class kaming hawak (fifth year high school) where the enrollees were all working students. May isa kaming estudyante, a grandma na noong gumradweyt ay ang apo niya ang nagsabit ng sampaguita lei sa kanya.
Hindi naman siguro hihintayin ni Sarah na maging lola siya, ‘di ba? At siguradong ito rin ang gustong mangyari ng kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli.