Heart nagbilad din ng seksing katawan sa Hawaii

Larawan mula sa Instagram account ni Heart Evangelista

BAKASYON mode pa rin si Heart Evangelista sa Hawaii kasama ang asawang si Sen. Chiz Escudero. Hindi rin siya nagpahuli sa ilang Kapuso stars na nagpakita ng alindog habang nasa beach.

May fans ngang makukulit na pinauuwi na si Heart dahil gusto na nilang bumalik siya sa Mulawin vs Ravena dahil nami-miss na nila ang character niyang si Alwina. At sana raw ay mas marami pa silang mapanood na eksena nina Heart at Dennis Trillo sa serye.

Pero kahit nasa Hawaii, nai-celebrate pa rin niya ang Philippine Independence Day. Nagbukas siya ng isang exhibit doon kasama ang ilang Filipino artists para maipagmalaki ang talentong Pinoy.

Read more...