Confirmed! Kris Aquino may papel sa Hollywood film

DUMATING na si Kris Aquino sa Singapore upang mag-shoot para sa isang international film na hindi pa pinapangalanan.

Sa kanyang Instagram account nag-post si Kris kasama ang kanyang mga bagahe na kuha sa Singapore airport.

Matagal nang usap-usapan na kasama sa cast si Kris sa gagawing Hollywood film na Crazy Rich Asians, ang movie version ng libro ni Kevin Kwan. Mas lalo lang tumindi ang bulungan nang i-follow ng mismong author si Kris sa kanyang IG account.

Sa isang recent post naman ni Kris tila confirmed na makakasama siya rito nang mag-post siya ng selfie kasama ang isa sa cast ng Crazy Rich Asians na si Constance Wu.

Ilan sa mga confirmed cast ay sina Henry Golding, Gemma Chan at Michelle Yeoh.

Read more...