KathNiel ready na sa maseselang eksena; madlang pipol gugulatin na lang

MARAMING nagtatanong kung magkakaroon na ng love scene at halikan sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa bago nilang serye sa Primetime Bida, ang La Luna Sangre.

Palagi kasing nababanggit nina Kath at DJ na nag-level up na raw ang tambalan nila sa bago nilang TV project kaya inaasahan ng kanilang fans na magkakaroon na rin sila rito ng matitin-ding kissing scene at sensitibong mga eksena.

Feeling namin, gugulatin na lang ang KathNiel ang madlang pipol sa mga bago nilang pasabog sa La Luna Sangre, lalo pa’t ang direktor pa nila ay ang box-office director na si Cathy Garcia-Molina na kilala sa mga pakilig at pa-trending na mga eksena.

Naniniwala kami na palaban na rin ngayon sina Kathryn at Daniel pagdating sa mga maseselang eksena, pero siyempre kailangan pa rin nilang pangalagaan ang kanilang imahe dahil karamihan nga sa mga fans nila ay mga bagets pa.

Hindi naman siguro makakasama sa kanilang career kung gagawa sila ng mga maseselang eksena na talagang kailangan sa serye lalo na’t medyo dark nga ang tema ng La Luna Sangre dahil sa presence ng mga bampira at lobo sa kuwento.

Sabi naman ng isang netizen, “It’s about time na magpakita ng bago and something daring ang KathNiel sa LLS para sa viewers. Hindi man kasingtindi ng ginagawa ng JaDine na halikan nang halikan with matching bed scene and car sex, a little bit of sensual encounters enough to shock the world!”

Bukod sa KathNiel siguradong inaaba-ngan na rin ng madlang pipol ang pagsasama-sama sa isang proyekto nina Angel Locsin, John Lloyd Cruz at Richard Gutierrez.

Ito ang unang serye sa ABS-CBN ni Richard na gaganap bilang si Sandrino, ang hari ng mga bampira na hahadlang sa pag-iibigan ng mga karakter nina Malia (Kathryn) at Tristan (Daniel).

Sina Angel at John Lloyd naman ang magsisilbing tagahabi ng istorya mula sa Imortal patungo sa La Luna Sangre.

Iikot ang epic saga sa bagong propesiya na tinatawag na “La Luna Sangre” kung saan itinakdang supilin ng anak ng pinakamakapangyarihang bampira at ng itinakdang lobo ang kasamaan ng bampirang may tatak ng sumpang tinta.

Read more...