REPORTS that Vice Ganda is not happy dahil walang bonggang celebration ang sixth anniversary ng kanyang show na Gandang Gabi Vice is simply BEREFT of truth.
Bongga nga ang show ‘no, dahil guest niya ang Megastar na si Sharon Cuneta. Ang dami ring ganap nu’ng gabing iyon. Opening number pa lang ay bongga na. Unang-una, nag-trending naman ang anniversary show.
Not true rin na naiimbiyerna na si Vice kung nape-preempt ang GGV. Aware naman siya na this things happen.
Also, maganda rin ang samahan nila ni Anne Curtis even after napabalitang nagkatampuhan sila. If ever true ang issue sa kanila, lahat naman ng magkaibigan ay dumadaan sa ganoong phase ng friendship.
Actually, tuwang-tuwa si Vice kay Sharon Cuneta na special guest niya.
“Malaki ang utang na loob ko kay Megastar. Kung ano ang tinatamasa ko ngayon, produkto ito ng mga itinulong mo sa akin nu’ng nagsisimula pa lang ako. Nu’ng wala pang masyadong pumapansin sa akin, ‘yung mga iilan pa lang, isa si Sharon Cuneta sa mga iilang unang pumansin kaagad sa akin at naka-appreciate. Salamat. Hindi ko po ‘yun nakakalimutan,” say ni Vice.
“Ang sarap sa feeling kasi dati pangkaraniwang tao lang ang pinapasaya namin nina Kiray, nina Negi. Noong dumating ka, ang laking pangarap ko na si Sharon Cuneta napapatawa ko at saka katabi ko siya,” dagdag pa niya.
Incidentally, kinabog ni Vice ang lahat sa kanyang statement gown sa MEGA Millennial Ball. “Pray For Marawi” ang nakalagay sa kanyang cape at talagang it was attention-getting.
Speaking of MEGA Millennial Ball, Alden Richards surprised everyone when he attended the said event.
While everyone was dressed to the nines, Alden was clad in a very simple polo and denim pants.
Ang daming hanash against him. Bakit daw napakasimple ng kanyang outfit at wala raw iyong kadating-dating. Ang iba kasi ay naka-tuxedo at Americana samantalang siya ay naka-polo lang.
But Alden’s supporters defended him.
“He can carry whatever outfit he wear. Bless with a handsome face and charm.”
“Alden Richards looking simple but dapper at the MEGA Millennial Ball.”
“Hahahahaha! Wala naman siyang pake kung bagay sa kanya ang damit or hindi. As long as comfortable siya.”
“Nasa nagdadala, guwapo pa rin & it’s nice for him to wear and support locally made products.”
“Wala sa damit yan yung kagwapohan ni tisoy nagdadala sa knya kahit ano pasuot mo branded man o ukay ukay kaya nya dalhin.”