Magaling na aktor pahada sa matrona’t bading

 

KUNG paniniwalaan ang mga kuwentong nanggagaling sa mga mismong matchmaker (pimp, bugaw, jugaling) ng mga artistang suma-sideline dahil sa kawalan ng trabaho ay parang nakapagtatakang gumagawa pala ng ganu’n ang mga kilalang male personalities.

Parang malayo sa katotohanan ang mga kuwento, parang hindi nila papasukin ang ganu’ng trabaho, pero paano kung mismong ang mga nilalapitan na nilang Boogie Wonderland ang nagkukuwento?

Parang mahirap paniwalaan, pero maraming nagpapatotoong ang mga male personalities mismo ang naghahanap ng pagkakaperahan, nakakaloka!

Kuwento ng isang source, “’Yung isang magaling pa namang male personality, todo sa paghahanap ngayon ng puwede niyang mapagkakaperahan. Go siya, kesehodang becki o matrona ang ibibigay sa kanya ng mga jugaling.

“Ang galing-galing niyang umarte, kahit anong role, e, kaya niyang itawid, kaso, nagkakaedad na siya ngayon. E, nasanay pa naman siya sa maluhong buhay nu’ng kalakasan ng kinikita niya.

“Ngayon, madalang na siyang mapanood, ayaw niya kasing magbaba ng talent fee. E, ngayon, usung-uso pa naman ang bagsak-presyo sa mga artista.

“Pumapayag ang marami sa kanila, kasi nga, kundi nila kakagatin ang ganu’n, e, wala silang project. Kaya kesa sa matengga sila, get na lang nang get ang mga artista sa malaking bawas sa talent fee nila.

“Mataas ang pride ng male personality, ayaw niyang tanggapin ang mababang TF, hindi raw ‘yun ang katapat ng galing niya sa pag-arte. Pero kailangan niyang mabuhay, pamilyado rin siya, kaya panay-panay ang pambubulabog niya sa mga Boogie Wonderland para ihanap siya ng parukyano.

“Ang masakit lang, e, hindi na siya kinakagat, nagkakaedad na kasi siya at ayaw niyang magbaba ng talent fee! Pati sa pagsa-sideline niya, ayaw rin niyang magbaba ng presyo!

“Kilalang-kilala n’yo siya, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, panalung-panalo ito, siguradong mahuhulaan n’yo kung sino siya!” pagtatapos ng aming source.

Read more...