PANGUNGUNAHAN ngayong araw ni Pangulong Duterte ang paggunita ika-119 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Rizal Park, Maynila.
Sa kanyang mensahe, nanawagan si Duterte sa mga Pilipino na gawing inspirasyon ang naging kabayanihan ng mga bayani ng bayan.
“Let us take inspiration from our forebears who valiantly fought and offered their lives so that we may have the liberties that we enjoy today,” sabi ni Duterte.
Magsisimula ang palatuntunan sa Luneta ganap na alas-8 ng umaga.
“Let us pay homage to their heroism by preserving our sovereignty and performing our own civic rights and responsibilities. After all, it is our inherent duty as citizens to ensure that the Philippines fulfills its destiny as a great and prosperous nation,” ayon pa kay Duterte.
Nagdesisyon naman si Duterte na hindi ituloy ang taunang vin d’ honneur para sa Araw ng Kalayaan para mag-pokus sa Marawi.
DU30 pangungunahan ang pagdiriwang ng ika-119 anibersaryo ng Independence Day
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...