Mariel tinalakan ng mataray na blogger: Hindi po ako stupid!

SUMAGOT  ang blogger na tinarayan ni Mariel Rodriguez. Kinuwestiyon kasi nito kung sino ang nagbayad ng airfare at hotel ni Robin Padilla nang sumama ito sa trip ni President Rodrigo Duterte sa Russia.

“FYI, Robin Padilla paid for his airfare and hotel. He did not accept a position in the government, ticket pa kaya at pa hotel tatanggap siya?? hellooooooo! stupid ‘tsuwariwap’ blogger… Know your facts!? #wagiinitinuloko #puyatako #hindiakonatutulog.” ‘Yan ang aria ni Mariel.

Agad-agad naman ang sagot ng blogger who’s manning Pinoy Ako Blog.

“I read your post sa FB na sinabi mo na si Robin mismo nagbayad ng ticket at hotel niya sa travel sa Russia. At least kahit alalay lang sya dun OR ‘Tsuwariwariwap’ at least nakatipid ang gobyerno sa kanya. Ang binayaran na lang siguro ng gobyerno ay ang land transportation niya sa paglilipat from one venue to another.

Ang binayaran na lang siguro ng gobyerno ay ang land transportation niya sa paglilipat from one venue to another.

“Yung po bang resibo ng plane ticket na binayaran ni Robin kasama na po ba dun ang ticket at accommodation ni Rommel Padilla? Your brother in law?

“Anyways, the reason why I’m questioning the presence of your husband kasi wala naman syang personality sa gobyerno pero bakit sya nandoon and talking sa mga event as if may position sya sa gobyerno ng Pilipinas.

“At kung magtanong man ako karapatan ko yun bilang tax payer. At hindi po ako stupid blogger. Mulat na blogger po ako. Ramdam ko ang paghihirap ng bansa kaya ako nagsusulat. Nakikita ko ang mali sa pamamalakad kaya ako nagsasalita. Hindi po ako stupid, Ms. Mariel Padilla.

“Alam nyo po kung ano ang stupid? Yung taong walang loyalty sa kaibigan. Yung pagiging backstabber po? Yun stupid po yun. Yung naninira ng isang kaibigan dahil sa inggit sa katawan? Yun stupid po yun. Yung naiinggit na may solo show ang iba tapos maninira dahil nilunod ng MEGA inggit ang puso, yun stupid po yun.

Yung naiinggit na may solo show ang iba tapos maninira dahil nilunod ng MEGA inggit ang puso, yun stupid po yun.

“At ang pinaka stupid sa lahat, yung sinusuportahan ang pambabalahura ng Presidente sa mga Amerikano pero pagdating ng araw magmakaawang mabigyan ng US visa.

Amerikano pero pagdating ng araw magmakaawang mabigyan ng US visa.

“Kaya for sure naman kung may stupid po hindi ako yun.”

Any comment, Mariel?

Read more...