Sulat mula kay Andrea ng Tikay, Malolos City, Bulacan
Problema:
1. Sa kasalukuyan ay may kinakasama akong matandang lalaki na may asawa. Sa kabila ng pa-milyado na siyang tao ay regular pa rin siyang umuuwi sa apartment na kinuha niya para sa akin. Dalawang beses sa isang linggo siya umuuwi kaya kung tutuusin ay para na rin kaming mag-asawa. Pero kahit ganito ang sitwasyon namin ay lagi pa rin akong nag-aalala. Iniisip ko kung magiging panghabambuhay na ba ang ganitong kapalaran ko gayong hindi ko naman pinangarap ang ganitong buhay.
2. Gusto kong magkaroon ng normal na buhay, may legal na asawa at sariling pamilya na hindi natatago sa lipunan. Tanong ko lang kung makikipaghiwalay na ba ako sa kanya may lalaki pa kayang magmamahal sa akin nang tapat at makakasama ko habambuhay na magtayo kami ng normal at maayos na pamilya? October 29, 1993 ang birthday ko.
Umaasa,
Andrea ng Bulacan
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2.) ang nagsasabing kapag tuluyan na kayong nagkahiwalay ng kalaguyo mong may asawa na, sa susunod na pakikipag-boyfriend ay siguraduhin mong pumili ng isang lalaking binata na may zodiac sign na Cancer upang matiyak ang isang masaya at panghabam- buhay na pag-asawa.
Numerology:
Ang birthdate mong 29 ang nagsasabing kung maghahanap ka ng isang binatang lalaki na papakasalan ka at makakasama mo nang panghabambuhay, isaalang-alang silang may birthdate na 7, 16, o kaya’y 25. Sila ang mga lalaking ka compatible mo na magpapaligaya sa iyo habam- buhay.
Huling payo at paalala:
Andrea, ayon sa iyong kapalaran, hindi na magtatagal ang relasyon ninyo ng kasalukuyan mong kalaguyo na may asawa at pamilya na. Tama ang nasasagap ng unconscious mong isipan sa ngayon. Ngunit dahil hindi mada-ling gawin ang iniisip mo—hindi pa ngayong 2017 mangyayari ang inyong paghihiwalay kundi sa 2018 pa, sa edad mong 25 pataas—makakalaya ka na rin sa wakas sa lalaking may pamilya na. Sa ikalawang pag-ibig at pag-aasawa, hatid ng isang lalaking may initial na G.I., makakasumpong ka na ng isang normal, legal, maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.
Matatakasan pa ba ang kalaguyo? (2)
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...